Naging makulay din ang aking kabataan, hindi lang puro paglalako ang ginawa ko noon.
Sa tuwing uuwi ako mula sa paglalako - si tatay ang sasalubong sakin. Super sweet nga niya eh, heto ang kwento...
=======================================================
Me: Tay, matumal benta ko ngayon.. pasensya
Tatay: OK lang yon anak.. :) sige akin na kinita mo at mairecord na
Me: may problema tayo tay, nawawala yung kinita ko
Tatay: ilang palo nga pala ginawa ko nung nawala kinita mo? doblehin natin..
=======================================================
pero alam ninyo, kahit na ililigtas ko siya sa kapahamakan, mali pa din ang tingin niya sa mga ginagawa ko.
=======================================================
Me: Tay! Alis kau sa gitna ng daan, may paparating na DANKTRAK
Tatay: Ano anak? anung DANKTRAK?
Me: Yun pong trak na 10 ang gulong na nagkakarga ng buhagin
Tatay: ay anak hindi DANKTRAK un! TEN MILLER un! :D
=======================================================
sa sobrang inis ko, hindi ko na kinaya at sumabog na ako.. palagi nalang kasi mali tingin nia sakin. kaya sinabi ko sa kanyang hindi ko na talaga kaya, nag share ako ng nararamdaman ko sa kanya..
=======================================================
Me: Tay, Wala akong kwentang anak para sa inyo!!! Lahat nalang ng sinasabi at ginagawa ko ay mali!!! Alam ko hindi niyo na ako mahal!!!
Tatay: Anak, nagkakamali ka..
Me: Shet!!! Mali na naman ako!!!
Saturday, May 2, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment