Matapos ang pagka haba habang pagkain ng ating mga bida sa sundries, nagbalik sila sa kanilang "ekspidisyon sa pagpapalakas" pabalik ng Infernal Tower. Ngayon, kasama na nila si tAnAgAx sa kanilang adventures..
Kelogs: Naku tAnAgAx, kung nakita mo lang ung ginawa kong pagasinta ng nakapikit sa Imp, mabibigla ka.
tAnAgAx: Weh? hindi nga?!
Kristel: Hindi mo kaya tinam--- (tinakpan ni Kelogs bibig ni Kristel)
Kelogs: Actually, Psychology, Anatomy, Vasectomy, kahit naka baligtad pa eh kaya ko umasinta.
nang biglang may narinig silang ingay sa di kalayuan..
Kristel: Anu ung ingay na un?
Kelogs: Potek! Yung mga Mutiny, naka Murder Remission na naman! tago na tayoooooo!
tAnAgAx: Hala dali at hanap tayo ng mapapagtaguan!
buti nalang at merong 3 Silver Chest sa tabi ng daan, naka bukas na at handa ng pagtaguan!
Kelogs: Tara dali magtago na tayo, at baka ma PK tayo!
dali daliang nagtago sa tatlong Silver Chest ang mga "self proclaimed matapang" na bida ng istorya.
*Kablag*
"Anung ingay yon?" Wika ng Lider ng grupo.
"Dun po sa may Silver Chest ko narinig yung ingay!" sabi naman ng isang member sa party
lumapit ang party ng Mutiny na naka Murder Remission. lagot..
Sinipa ng Lider ang Silver Chest kung nasaan si tAnAgAx..
*Awooooooooooooo*
"Varg lang pala..." Sabi ng Lider ng grupo.. Agaran niyang sinipa ang kinalalagyan ni Kristel.
*Awooooooooorrrrraaahhhhhh*
"Chaos Varg lang pala..." Sabi ng Lider ng grupo.
"Lagot ako na..." Takot na takot na sinabi ni Kelogs sa utak niya...
Sinipa ng Lider ng grupo ang kinalalagyan ni Kelogs. Ngunit walang tunog. Sinipa pa ng tatlong magkakasunod ang Silver Chest ngunit wala pa ding ingay na nadinig ang Lider.
nang sisipain ulit ng Lider yung Silver Chest, biglang nagsalita si Kelogs..
Kelogs: Bobo ba kayo? Red Potion ako, wala akong sounds!
(siguro alam ninyo na ang sunod na nangyari.. heheheh!)
Friday, May 8, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment