Tuesday, May 19, 2009

Counter Attack (Featuring Haseo, the "Good Warden") part 2

Bakit nga ba Good Warden si Haseo? dito ninyo malalaman..

=======================================================
Nagpapatuloy ang kwento..
=======================================================


Haseo: Mga Kawal, inyong ipatawag ang magiting na si Kelogs at ang kanyang mga kasama. Papuntahin ninyo sila dito sa ating Torture Room!

"Opo Masusunod!" wika ng mga kawal.


Hinanap ng mga kawal ang grupo ni Kelogs. Madaling nakita si Kristel at tAnAgAx, nareceive kasi nila ang group text message ni Haseo na pinatawag niya ang mga to. Ang dalawa ay i-nescort ng ilang kawal papunta sa Torture Room.



Si Kelogs nalang...




Hirap na hirap silang hanapin ang abnoy nating bida. Nakupo, nasa tindahan na naman pala siya ni Linda. Mukang nadiskarte na naman ang ulupong na utak kohol.




Kelogs: Magnanakaw siguro ang tatay mo no Linda?
Linda Tindera: Aba'y gaga to ah! Gusto bang makatikim ng sampal?
Kelogs: Teka relax ka lang.. patapusin mo kasi ako!
Linda Tindera: Anu na naman yan?
Kelogs: Kaya ko nasabing magnanakaw tatay mo kasi ninakaw ng tatay mo ang mga bituwin para ilagay sa mga mata mo…
Linda Tindera: Talaga? Ang Sweet! :D
Kelogs: Uu talagang talaga.. pa-utang ha? sang tapsi ulit!
Linda Tindera: Hay nako, tigilan mo ako.. hindi mo ako madadali sa mga ganyan.

=======================================================

Kelogs: Teka, maiba ako. Bago ka mapunta dito sa tindahan mo, anu bang trabaho mo Linda?
Linda Tindera: Ah sa wakas may matino kang tanong.. Dati akong Substitute
Kelogs: Anung Substitute? Baka prostitute?
Linda Tindera: Sira, Nanay ko yung prostitute.
Kelogs: Nyek, anu namang trabaho yun?
Linda Tindera: Simple lang, ako pumapalit sa kanya pag di siya pwede.

=======================================================

Kelogs: Hay nako gutom ka na nga, wala ka pa makausap ng matino..
Linda Tindera: (nakitang papalapit ang mga kawal) Sa wakas, may susundo na sa mga kagaya mo.
Kawal 1: Ginoong Kelogs, kayo po ay pinapatawag na sa Torture Room ni Warden. Parurusahan na ang nabihag ninyo
Kelogs: Magaling, halina at akoy iyong gabayan patungo sa Torture room. Panahon na para sa aking minimithing paghihiganti!
Linda Tindera: Sige, pati yan parusahan ninyo mga Kawal.



at umalis na si Kelogs sa tindahan ni Linda. Sila ay nagtungo na sa Torture Room.



Dumating sila sa Torture room, naroon na at naghihintay na si Kristel at tAnAgAx. Kinausap silang tatlo ni Haseo, ang mabait na Warden ng Torture room.

Haseo: Kayong tatlo, Makinig kayong mabuti at isang beses ko lang sasabihin to. Isa isa ko kayong tatawagin sa luob ng Torture room at babantayan ko kayong torturin si Gardo hanggang siya ay bawian ng buhay- gamit ang Shotgun na hiram ko pa sa ex-gf kong si Zoey.

pumasok na si Haseo sa Torture room, unang tinawag si tAnAgAx. binigay ni Haseo ang Shotgun kay tAnAgAx

tAnAgAx: Boss, parang nagaalinlangan ako e.. parang gusto ko ng mag backout. Hindi ko kayang mabahidan ng dugo kamay ko.
Haseo: Hala sige, umalis ka na dito. Mabuti kang tao.

tinawag ni Haseo si Kristel at pinapasok sa torture room. Inabot ni Haseo ang Shotgun kay Kristel. Nangangatog si Kristel na tinutok ang Shotgun kay Gardo.

Kristel: Bossing hindi ko kaya to, hindi ko pa nagawa to sa buong buhay ko e..
Haseo: Mabait ka ding tao, sige makakaalis ka na.

nako po, si Kelogs na..

tinawag na si Kelogs at pinapasok sa Torture Room.. nanakbo si Kelogs papasok, at dali daliang kinuha yung baril.

Kelogs: Akina yung shotgun, AKINA DALI!
Haseo: Bago mo simulan ang pagtorture mo, Lalabas muna ako ng kwartong ito dahil ayaw ko makita ang gagawin mo!

Lumabas si Haseo pagka bigay ng Shotgun kay Kelogs, maya maya lang ay may narinig silang putok ng Shotgun na nanggaling sa luob ng Torture Room. Mga walong dikit ng putok ang narinig na nagmula sa Shotgun na iyon. Sinundan pa ito ng mga sigaw na tila nagmula sa dalawang tao.



*blag*

*kapiff*

*arghhhh*

*wahhhhhh*

*pfooot*



Makalipas ang ilang segundo, lumabas ng Torture Room si Kelogs, pawisan..


Kelogs: Walangya ka Warden, hindi mo sinabing blangko ang bala ng shotgun, napilitan pa akong bugbugin si Gardo hanggang mamatay..

No comments:

Post a Comment