Friday, May 1, 2009
Ang parusa ni Stein sa Rohan Prison
Si Kelogs, si tAnAgAx, at si Kristel ay nakulong sa salang pag gamit ng 3PP, o ang tinatawag na Rohan BOT. 15 days silang dapat na online para makalabas ng prison.
May suggestion si Stein sa kanila para mapahintulutan silang makalaya agad, heto ang storya:
=======================================================
Stein: Hoy kayong tatlo, alam ko natutunan niyo na ang tamang paglalaro ng Rohan diba?
(sumagot si Kelogs, tAnAgAx at Kristel ng sabay sabay at sobrang galak)
Lahat: OPO! kami po ay natuto na!
Stein: Hmmm, tila galing sa ilong. Anyways, meron akong isang test sa inyo. Kung kayo ay papasa sa test na ito, maari na kayong makalaya.
(sumagot si Kelogs, tAnAgAx at Kristel ng sabay sabay na parang musmos na walang alam, at nagpakyut pa!)
Lahat: Anu po iyon? :)
Stein: Medyo mabigat na pagsubok, hahatawin ko lang naman kayo ng latigo ng 20 beses.
(sumagot si Kelogs ng buong katapangan)
Kelogs: Sige po, AKO NA UNA! yeshh lalaya na akooo!
Stein: Hephep, hindi lang yan.. Dahil mula ngayon, naging light na mga servers, magiging mabait ako sa inyong tatlo. Bibigyan ko kayo ng isang kahilingan bago ko kayo hatawin.
(nag isip si kelogs, as if meron siyang maiisip)
Kelogs: AHA! sige tutal ako una, hatawin mo ako ng may "+ 100 pdef Enchanted Sheild of Pluion" ako sa likod!
Stein: Matutupad!
*Hinataw na si Kelogs ng may "+ 100 pdef Enchanted Sheild of Pluion", sa kasawiang palad - sa ika 10 palo ng latigo, nasira ang "+ 100 pdef Enchanted Sheild of Pluion". bagsak sa pagsubok si Kelogs, duguan at umiiyak. nagprisinta na si tAnAgAx na susunod siya na tila may kakaibang plano.
tAnAgAx: ako naman! *evil laugh* hatawin mo ako ng may "+ 200 pdef Enchanted Saint Sheild of Edwin" ako sa likod!
mas makunat ako nito - sabi ng nagtatalino-talinuhang tAnAgAx
Stein: Matutupad!
*Hinataw na si tAnAgAx ng may "+ 200 pdef Enchanted Saint Sheild of Edwin", sa kasawiang palad - sa ika 15 palo ng latigo, nasira ang "+ 200 pdef Enchanted Saint Sheild of Edwin" . bagsak sa pagsubok si tAnAgAx, duguan at umiiyak.
biglang nagsalita si Kristel
Kristel: naku ako na... wahhh!
*beep beep beep*
nakareceive ng text si Stein mula sa Higher Council na bigyan ng dalawang kahilingan ang huling dadaan sa pagsubok.
Stein: Nagtext sakin ang Higher Council, meron ka daw dalawang kahilingan!
Kristel: Yes,oh yessss!
(nagisip ng malalim si Kristel)
Kristel: Alam ko na! hahaha.. unang wish - gawin mong 100 palo ang gawin mo sakin!
Stein: Aba, matapang ka! hinahangaan kita sa katapangan mo. at anu naman ang iyong ikalawang kahilingan?
si Kristel ay ngumiti at sinabing:
Kristel: Itali niyo po si Kelogs at tAnAgAx sa likod ko bago mo ako latiguhin phuleez?! :)
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment