Teka, kamustahin naman natin ang mga "in-mates" at ang mga pangyayari sa luob ng Rohan Prison. Atin munang iwan ang diskarteng malupit ng dalawang nagbibida-bidahan.
Stein: Kayong mga nasa kulungan, halina lumapit kayo at may iaanunsyo ako sa inyo..
*naglapitan ang mga pobreng inmates*
Stein: Dahil sa nalalapit na monthsary ng ating kulungan, may pagsubok akong ibibigay sa inyong lahat. Ang premyo, pwede kayong mamili sa mga sumusunod:
- freedom sa kulungan na to!
- 10,000,000 crones + 1 week sa labas ng prison
- 1 Dinner Date with our sweet Raserei`
Sweet ba? :-*
(Masyado atang nagiging mabait ang warden ah? )
Sumigaw ang isa sa mga inmates,
SpiritArcher: Eh boss, anu ho bang pagsubok un?
*nagbulungan ang mga inmates*
Inmates: (pabulong) diba yun yong taong nasa unahan ng prison list ni Garrik?
SpiritArcher: Silence! I Kill YOU! (*achmed style)
Stein: Oh tama na yan, i-aanunsyo ko na yung pagsubok. Saglit lang, replyan ko lang tong si Kreigs.
...
message sent.
Stein: OK na, pasensya sa abala. Well eto ang inyong pagsubok. Nakikita ninyo ba ang mahabang balon jan sa may tapat? Ang taong makakatawid sa balon na yan ay makakapili ng isa sa ating premyo! samakatuwid, tatlong mapalad na taong magkakamit ng ating premyo!
ng malaman ng mga tao na madali lang ang pagsubok, agaran tumalon ang 21 sa ating mga inmates..
*arayyy*
*ughhhh*
*blaggg!*
*kapoooff*
nasawi ang 21 sa ating mga inmates.
Stein: Nakalimutan ko palang sabihin, may Avatar of Venom jan sa balon.
Inmates: (sabay sabay) WAHHH! Hindeeeeeeee! unfair ampf..
natahimik ang lahat ng isang lalake ang bumaba sa balon.
*Siyeeeeetttttttthhhhhhhhh!!!*
ilang saglit pa, lumitaw ang lalake sa kabilang dulo ng balon.
Inmates: Wahhh! Si Kelogs un a!
si Kelogs ay pawisan ngunit hindi man lang nagalusan sa pagtawid niya sa balon. Lumapit siya kay Stein para kuhain ang kanyang premyo.
Stein: Napahanga mo ako dun ah! Isa ka talagang magiting na mandirigmang gustong magbago sa mga pagkakamaling nagawa sa mundo ng Rohan! anu ba gusto mo? gusto mo bang makalaya? gusto mo ba ng crones at 1 week freedom? o ang date sa kras kong si Raserei`?
galit na galit nagsalita si kelogs..
Kelogs: hindi ko gusto ang kalayaan, crones o ang date na yan.. ang gusto ko yung lintek na taong tumulak sakin sa balon na yan.. humanda siya! ^%!@!
...
...
[*achmed - search niu nalang sa youtube.. tiyak matatawa kayo sa punchline nia :D]
No comments:
Post a Comment