Ang saklap siguro magulpi ng naka Murder Remission anu? anyways, mabalik tayo sa adventures ni Kelogs at Kristel..
"WOW NAMAN! ang lakas naman nyan!" wika ni Kristel. Tuwang tuwa si Kristel ng malaman niya to, hindi sila mahihirapang magpalevel dahil sa lakas ng bow at angking galing ni Kelogs.
"langyang Varg yan! Umakyat ng puno" sagot ni Kelogs kay kristel, kinaumagahan nung nabugbog siya ng party ng Mutiny. Talagang ayaw mapahiya ni Kelogs.
Sa sobrang pasikat ni Kelogs, hindi niya ininda ang sakit ng pagkabugbog at sila ay nagpatuloy sa kanilang paglalakbay patungo sa Infernal Tower.
naka isip na naman ang nagmamagaling na bida ng storya;
"Ako ay asintado at wala pa akong ti-narget na di tinamaan" wika ni Kelogs.. sabay pagyayabang ng weapon niya..
"WOW NAMAN! ang lakas naman nyan!" wika ni Kristel. Tuwang tuwa si Kristel ng malaman niya to, hindi sila mahihirapang magpalevel dahil sa lakas ng bow at angking galing ni Kelogs.
Pagdating sa border ng Infernal Tower, nakakita sila ng Drexter Fanglord! Inasinta ni Kelogs gamit ang kanyang weapon..
Tinira ng level 5 na Double Strike..
Sablay!
biglang napakamot si Kristel at sinabing "Akala ko talaga asintado ka"
"Asintado ako talaga, nagkaroon lang ng puwing ang mata ko kaya ako sumablay" wika ni Kelogs.
Para patunayan ko sa iyo, aasintahin ko iyong mga Imp sa puno ng nakapikit."
Nagdududa agad si Kristel, "nakapikit at mapapalagpak mo?"
"Oo, manood ka!" pasigaw na sabi ng bida..
Pumikit si Kelogs, inasinta at tinira ng Double Strike ang Imp.
Nang magmulat siya ng mata hinanap niya ung Imp sa lupa.
"Aba, pambihira pala ang mga Imp dito sa Armenes, may tama na eh nakakalipad pa rin."
No comments:
Post a Comment