Monday, May 18, 2009

Counter Attack (Featuring Haseo, the "Good Warden")

Para naman maituring nating bida si Kelogs at ang iba pa, heto at iuupdate ko ang blog na to. Natagalan ang pag update dahil madami akong ginagawa IRL. As promised, heto ang update na inaantay ninyo. ENJOY!




=======================================================
After Captivity...
=======================================================


nagkita kita ang tatlong bida sa Bindstone ng Rev Decca. Nag respawn agad si Kelogs pagkatapos ng ilang minutong pag respawn ni Kristel.



Kelogs: Punyemas! Sayang naman dapat aratiles ang kinuha ko! Akala ko pa naman matutulungan ako ng peborit kong prutas na pinya. Humanda sila, MAGBABAYAD SILAAAHHH!

Kristel: Kundi ka ba naman utak kohol, kundi dahil sa utak mong nakabaon 6 feet below the ground, edi sana ligtas tayo sa Silver Chest na tinataguan natin.

Kelogs: C'mon guys, kelan pa kayo makaka getover dun? Henyo ata ako!

tAnAgAx: Ewan, maka layo na sayo.. baka anu pa abutin ko.



at naglakad palayo si tAnAgAx..



Kristel: Ako rin lalayo na sayo, baka anu pang mangyari sakin.

Kelogs: Chillax, may naisip akong paraan.



nagsulat sa lupa si Kelogs:











"Operation Entrapsment"







Kristel: Henyo ka pa niyan? Mali spelling mo bobo..

Kelogs: Anu mali jan? Nagmamagaling ka na naman!

Kristel: Tignan mo nga sinulat mo, EntrapSment!

Kelogs: Kung hindi ka ba naman graduate ng kinder e, traps gagamitin ko sa kanila!

Kristel: Ah, Ok.





Nagpunta magisa si Kelogs sa kagubatan kung saan madalas mag raid ang Mutiny, at kung saan eksaktong matatagpuan ang tatlong Silver Chest na nagpahamak sa kanila nung nagtago sila. Nag setup siya ng bitag para mahuli at maparusahan ang party na nag raid sa kanila.



Heto na, parating na ang party ng Mutiny, naka Murder Remission na naman! (Siguro excited na kayo sa mangyayari anu? hehe..) At papalapit na sila sa bitag ni Kelogs.



Kelogs: As expected, *evil laugh* let the prey come to the predator. Bwahahaha!



Tumapak na ang party ng Mutiny sa "trap area" ni Kelogs. Umigkas ang unang bitag, Umulan ng sibat sa lugar na yon, dali daling ngsi-defense position ang party. Di nagtagal, natapos din umulan ng pana. Walang nasaktan sa Mutiny.



Nagpatuloy sa paglalakad ang party ng Mutiny, umigkas ang ikalawang bitag. Umulan ng 5 star at watusi sa kinalalagyan ng party ng Mutiny. Agad silang nagpunta sa kanilang defense position at sila ulit ay hindi natinag.



Kelogs: Patay isa nalang ang bitag na natitira, pero alam ko eto uubra na! Kahit makahuli lang ako ng isa! Isa lang.. ISAAA!









dali-daliang pumusisyon si Kelogs malapit sa kinalalagyan ng party ng Mutiny.



"Ang sarap talaga mag raid dito lalo na tatlong party tayong mga SGX" Sigaw ni Kelogs..

"Lalo na ngayong naka Murder Remission tayo! Wala silang magagawa satin!" Sigaw ulit ni Kelogs na sinalin sa boses ni Kiko Matsing.





"Naku kailangan na nating umalis, hala takbooooo" Sigawan ang party ng Mutiny at tumakbo palayo, ngunit ang party lider ay di matinag..



"Mga hangal! Duwag at walang pakinabang!" sigaw ng party lider ng Mutiny..



Umigkas ang kahuli hulihang bitag ni Kelogs. Isang jumongus lambat at umitech sa ibabaw ng lider ng party. Na huli ni Kelogs ang Lider..







Dinala ni Kelogs ang lider ng Mutiny party sa Rev Decca, at tama kayo - nasa luob pa ng lambat ang bihag. Agad dinala sa "torture room" ang bihag.



(nahihirapan akong mag type ng Leader ng Mutiny party, kaya itatago natin siya sa pangalang Gardo)









Sinalubong si Kelogs ni Kristel at ni tAnAgAx na tuwang tuwa at sinabing..




"sa wakas, sweet revenge! oh yes.. im gonna come!"


=======================================================
Mapunta tayo sa torture room.. Pakilala ko sa inyo si Haseo :D
=======================================================


Si Haseo ang Warden at in-charge sa "torture room" ng Rev Decca. Pinili niya ang Shotgun para ma-torture si Gardo. Mejo special ang shotgun na ito, automatic at galing pa sa ex-girlfriend niyang si Zoey. (L4D chika babes na sinulot ni Francis ng mag simulang mag-rohan si Haseo)


Binigyan si tAnAgAx, Kristel at Kelogs ng pagkakataon para makapag higanti sa inabot nila sa Gathering Hall ng Mutiny.

itutuloy...

Question: Bakit Good Warden si Haseo?

Answer: Abangan!

No comments:

Post a Comment