Tuesday, May 19, 2009

Counter Attack (Featuring Haseo, the "Good Warden") part 2

Bakit nga ba Good Warden si Haseo? dito ninyo malalaman..

=======================================================
Nagpapatuloy ang kwento..
=======================================================


Haseo: Mga Kawal, inyong ipatawag ang magiting na si Kelogs at ang kanyang mga kasama. Papuntahin ninyo sila dito sa ating Torture Room!

"Opo Masusunod!" wika ng mga kawal.


Hinanap ng mga kawal ang grupo ni Kelogs. Madaling nakita si Kristel at tAnAgAx, nareceive kasi nila ang group text message ni Haseo na pinatawag niya ang mga to. Ang dalawa ay i-nescort ng ilang kawal papunta sa Torture Room.



Si Kelogs nalang...




Hirap na hirap silang hanapin ang abnoy nating bida. Nakupo, nasa tindahan na naman pala siya ni Linda. Mukang nadiskarte na naman ang ulupong na utak kohol.




Kelogs: Magnanakaw siguro ang tatay mo no Linda?
Linda Tindera: Aba'y gaga to ah! Gusto bang makatikim ng sampal?
Kelogs: Teka relax ka lang.. patapusin mo kasi ako!
Linda Tindera: Anu na naman yan?
Kelogs: Kaya ko nasabing magnanakaw tatay mo kasi ninakaw ng tatay mo ang mga bituwin para ilagay sa mga mata mo…
Linda Tindera: Talaga? Ang Sweet! :D
Kelogs: Uu talagang talaga.. pa-utang ha? sang tapsi ulit!
Linda Tindera: Hay nako, tigilan mo ako.. hindi mo ako madadali sa mga ganyan.

=======================================================

Kelogs: Teka, maiba ako. Bago ka mapunta dito sa tindahan mo, anu bang trabaho mo Linda?
Linda Tindera: Ah sa wakas may matino kang tanong.. Dati akong Substitute
Kelogs: Anung Substitute? Baka prostitute?
Linda Tindera: Sira, Nanay ko yung prostitute.
Kelogs: Nyek, anu namang trabaho yun?
Linda Tindera: Simple lang, ako pumapalit sa kanya pag di siya pwede.

=======================================================

Kelogs: Hay nako gutom ka na nga, wala ka pa makausap ng matino..
Linda Tindera: (nakitang papalapit ang mga kawal) Sa wakas, may susundo na sa mga kagaya mo.
Kawal 1: Ginoong Kelogs, kayo po ay pinapatawag na sa Torture Room ni Warden. Parurusahan na ang nabihag ninyo
Kelogs: Magaling, halina at akoy iyong gabayan patungo sa Torture room. Panahon na para sa aking minimithing paghihiganti!
Linda Tindera: Sige, pati yan parusahan ninyo mga Kawal.



at umalis na si Kelogs sa tindahan ni Linda. Sila ay nagtungo na sa Torture Room.



Dumating sila sa Torture room, naroon na at naghihintay na si Kristel at tAnAgAx. Kinausap silang tatlo ni Haseo, ang mabait na Warden ng Torture room.

Haseo: Kayong tatlo, Makinig kayong mabuti at isang beses ko lang sasabihin to. Isa isa ko kayong tatawagin sa luob ng Torture room at babantayan ko kayong torturin si Gardo hanggang siya ay bawian ng buhay- gamit ang Shotgun na hiram ko pa sa ex-gf kong si Zoey.

pumasok na si Haseo sa Torture room, unang tinawag si tAnAgAx. binigay ni Haseo ang Shotgun kay tAnAgAx

tAnAgAx: Boss, parang nagaalinlangan ako e.. parang gusto ko ng mag backout. Hindi ko kayang mabahidan ng dugo kamay ko.
Haseo: Hala sige, umalis ka na dito. Mabuti kang tao.

tinawag ni Haseo si Kristel at pinapasok sa torture room. Inabot ni Haseo ang Shotgun kay Kristel. Nangangatog si Kristel na tinutok ang Shotgun kay Gardo.

Kristel: Bossing hindi ko kaya to, hindi ko pa nagawa to sa buong buhay ko e..
Haseo: Mabait ka ding tao, sige makakaalis ka na.

nako po, si Kelogs na..

tinawag na si Kelogs at pinapasok sa Torture Room.. nanakbo si Kelogs papasok, at dali daliang kinuha yung baril.

Kelogs: Akina yung shotgun, AKINA DALI!
Haseo: Bago mo simulan ang pagtorture mo, Lalabas muna ako ng kwartong ito dahil ayaw ko makita ang gagawin mo!

Lumabas si Haseo pagka bigay ng Shotgun kay Kelogs, maya maya lang ay may narinig silang putok ng Shotgun na nanggaling sa luob ng Torture Room. Mga walong dikit ng putok ang narinig na nagmula sa Shotgun na iyon. Sinundan pa ito ng mga sigaw na tila nagmula sa dalawang tao.



*blag*

*kapiff*

*arghhhh*

*wahhhhhh*

*pfooot*



Makalipas ang ilang segundo, lumabas ng Torture Room si Kelogs, pawisan..


Kelogs: Walangya ka Warden, hindi mo sinabing blangko ang bala ng shotgun, napilitan pa akong bugbugin si Gardo hanggang mamatay..

Monday, May 18, 2009

Counter Attack (Featuring Haseo, the "Good Warden")

Para naman maituring nating bida si Kelogs at ang iba pa, heto at iuupdate ko ang blog na to. Natagalan ang pag update dahil madami akong ginagawa IRL. As promised, heto ang update na inaantay ninyo. ENJOY!




=======================================================
After Captivity...
=======================================================


nagkita kita ang tatlong bida sa Bindstone ng Rev Decca. Nag respawn agad si Kelogs pagkatapos ng ilang minutong pag respawn ni Kristel.



Kelogs: Punyemas! Sayang naman dapat aratiles ang kinuha ko! Akala ko pa naman matutulungan ako ng peborit kong prutas na pinya. Humanda sila, MAGBABAYAD SILAAAHHH!

Kristel: Kundi ka ba naman utak kohol, kundi dahil sa utak mong nakabaon 6 feet below the ground, edi sana ligtas tayo sa Silver Chest na tinataguan natin.

Kelogs: C'mon guys, kelan pa kayo makaka getover dun? Henyo ata ako!

tAnAgAx: Ewan, maka layo na sayo.. baka anu pa abutin ko.



at naglakad palayo si tAnAgAx..



Kristel: Ako rin lalayo na sayo, baka anu pang mangyari sakin.

Kelogs: Chillax, may naisip akong paraan.



nagsulat sa lupa si Kelogs:











"Operation Entrapsment"







Kristel: Henyo ka pa niyan? Mali spelling mo bobo..

Kelogs: Anu mali jan? Nagmamagaling ka na naman!

Kristel: Tignan mo nga sinulat mo, EntrapSment!

Kelogs: Kung hindi ka ba naman graduate ng kinder e, traps gagamitin ko sa kanila!

Kristel: Ah, Ok.





Nagpunta magisa si Kelogs sa kagubatan kung saan madalas mag raid ang Mutiny, at kung saan eksaktong matatagpuan ang tatlong Silver Chest na nagpahamak sa kanila nung nagtago sila. Nag setup siya ng bitag para mahuli at maparusahan ang party na nag raid sa kanila.



Heto na, parating na ang party ng Mutiny, naka Murder Remission na naman! (Siguro excited na kayo sa mangyayari anu? hehe..) At papalapit na sila sa bitag ni Kelogs.



Kelogs: As expected, *evil laugh* let the prey come to the predator. Bwahahaha!



Tumapak na ang party ng Mutiny sa "trap area" ni Kelogs. Umigkas ang unang bitag, Umulan ng sibat sa lugar na yon, dali daling ngsi-defense position ang party. Di nagtagal, natapos din umulan ng pana. Walang nasaktan sa Mutiny.



Nagpatuloy sa paglalakad ang party ng Mutiny, umigkas ang ikalawang bitag. Umulan ng 5 star at watusi sa kinalalagyan ng party ng Mutiny. Agad silang nagpunta sa kanilang defense position at sila ulit ay hindi natinag.



Kelogs: Patay isa nalang ang bitag na natitira, pero alam ko eto uubra na! Kahit makahuli lang ako ng isa! Isa lang.. ISAAA!









dali-daliang pumusisyon si Kelogs malapit sa kinalalagyan ng party ng Mutiny.



"Ang sarap talaga mag raid dito lalo na tatlong party tayong mga SGX" Sigaw ni Kelogs..

"Lalo na ngayong naka Murder Remission tayo! Wala silang magagawa satin!" Sigaw ulit ni Kelogs na sinalin sa boses ni Kiko Matsing.





"Naku kailangan na nating umalis, hala takbooooo" Sigawan ang party ng Mutiny at tumakbo palayo, ngunit ang party lider ay di matinag..



"Mga hangal! Duwag at walang pakinabang!" sigaw ng party lider ng Mutiny..



Umigkas ang kahuli hulihang bitag ni Kelogs. Isang jumongus lambat at umitech sa ibabaw ng lider ng party. Na huli ni Kelogs ang Lider..







Dinala ni Kelogs ang lider ng Mutiny party sa Rev Decca, at tama kayo - nasa luob pa ng lambat ang bihag. Agad dinala sa "torture room" ang bihag.



(nahihirapan akong mag type ng Leader ng Mutiny party, kaya itatago natin siya sa pangalang Gardo)









Sinalubong si Kelogs ni Kristel at ni tAnAgAx na tuwang tuwa at sinabing..




"sa wakas, sweet revenge! oh yes.. im gonna come!"


=======================================================
Mapunta tayo sa torture room.. Pakilala ko sa inyo si Haseo :D
=======================================================


Si Haseo ang Warden at in-charge sa "torture room" ng Rev Decca. Pinili niya ang Shotgun para ma-torture si Gardo. Mejo special ang shotgun na ito, automatic at galing pa sa ex-girlfriend niyang si Zoey. (L4D chika babes na sinulot ni Francis ng mag simulang mag-rohan si Haseo)


Binigyan si tAnAgAx, Kristel at Kelogs ng pagkakataon para makapag higanti sa inabot nila sa Gathering Hall ng Mutiny.

itutuloy...

Question: Bakit Good Warden si Haseo?

Answer: Abangan!

Saturday, May 9, 2009

Captivity

Salamat sa kagagawan ni Kelogs sa luob ng Silver Chest, nahuli ang ating tatlong magigiting na bida. Silang tatlo ay dinala ng nag raid na party ng Mutiny na naka Murder Remission sa kanilang Guild Master. Habang sila ay nasa daan papunta ng Gathering Hall ng Mutiny, ang tatlong ugok ay nagsisisihan..

Kristel: Napaka tanga mo kasi, bakit nagsalita ka pa?
tAnAgAx: Walangya, lusot na tayo eh! Kasalanan mo to! Leche!
Kelogs: Hoy, mga bobo! wala naman talagang sounds yang red potion!

nagsalita ang isa sa miyembro ng party ng Mutiny, "hoy kayong tatlo, manahimik kayo at malapit na tayo sa Gathering Hall namin, yari kayo sa Guild Leader namin! Mabagsik yon!"

nagsalita si Kristel at tAnAgAx ng sabay..

"lagot.. huhuhu!"

Kelogs: Wag kayo mag-alala, ako bahala kumausap sa Guild Master nila...

nagsalita ulit si Kristel at tAnAgAx ng sabay..

"lalo tayong lagot, waaaaaaaaaaaaaaa!"


Nakarating na ang ating tatlong bida bidahan sa storyang to sa kampo ng Mutiny. Dali dali silang dinala sa Guild Master upang hatulan at parusahan.

Guild Master: Yan naba ang mga bihag? Mukang mahihina ang mga yan ah.
Kelogs: Nako hindi ninyo natatanong, Sa sobrang lakas ko, kaya ko kayong patumbahin kasama ang buong guild ninyo. Inborn lang sakin ang pagiging mabait pasalamat kayo!
Guild Master: Hambog ang isang to ah.. Cge, hatulan sila ng pinaka mabigat na parusa!

nagsalita na naman si Kristel at tAnAgAx ng sabay..

"walangya ka talaga Kelogs, pahamak ka!"






Dinala ng party ng Mutiny ang tatlo pabalik sa gubat..

"Hala sige kumuha kayo ng sampung prutas na gusto ninyo!" sabi ng leader ng Party ng Mutiny..

Kelogs: Eto na ba ung mabigat na parusa? sus, ang dali naman!

"Madali ba? sige kumuha na kayo!" Kumuha na sila ng prutas na gusto nila, binabantayan sila ng husto at baka tumakas sila sa pagkuha.

unang naka kumpleto si tAnAgAx, nakakuha siya ng10 Mansanas, sumunod si Kristel, at may dalang 10 Ubas. Si Kelogs tila nahihirapan pang hagilapin ang prutas na gusto niya. Gusto daw niya kasi ang favorite niya. Nauna ng bumalik sa Gathering Hall ng Mutiny ang dalawa.




Guild Master: Yung unang naka kumpleto, lumapit dito sa harap.

dali daliang lumapit si tAnAgAx...

Guild Master: Sige, simulan mo ng ipasok yang nakuha mo sa puwit mo.. Pag natawa, naiyak, o nagbago itsura ng muka mo sa pagpasok mo niyan sa puwit mo, Papatayin ka agad namin!

sa takot mamatay nitong si tAnAgAx, ginawa niya agad ang inutos ng Guild Master ng Mutiny. Sa unang Mansanas pa lang, agad siyang naiyak. (ikaw ba naman ang pasukan ng mansanas sa puwit diba? heheheheh) Ayon, First Blood si loko. Deadz siya eh!

sumunod agad si Kristel, hawak ang mga ubas - isa isa niyang pinasok yon sa puwit niya.. OK na ang lahat, ngunit sa ika 9 na ubas na ang nakapasok bigla siya natawa.. Deadz din siya!





nag respawn ang dalawang bida at nagkita sa bindstone ng Rev'Decca..



tAnAgAx: Langyang parusa yon, ang sakit tuloy ng puwit ko. Teka muna, bakit andito ka? eh malilit lang yung sayo, makakalusot ka diba?
Kristel: Hindi nga eh, natawa nga ako nung sa ika 9 na ubas na ipinasok ko sa puwit ko.
tAnAgAx: Eh anu ba kasi nangyari?
Kristel: Hindi mo ako masisisi eh, kaw ba naman makita mong may dalang sampung pinya si Kelogs, hindi ka ba matatawa?

Friday, May 8, 2009

Diskarteng Malupit Part 4

Matapos ang pagka haba habang pagkain ng ating mga bida sa sundries, nagbalik sila sa kanilang "ekspidisyon sa pagpapalakas" pabalik ng Infernal Tower. Ngayon, kasama na nila si tAnAgAx sa kanilang adventures..

Kelogs: Naku tAnAgAx, kung nakita mo lang ung ginawa kong pagasinta ng nakapikit sa Imp, mabibigla ka.
tAnAgAx: Weh? hindi nga?!
Kristel: Hindi mo kaya tinam--- (tinakpan ni Kelogs bibig ni Kristel)
Kelogs: Actually, Psychology, Anatomy, Vasectomy, kahit naka baligtad pa eh kaya ko umasinta.



nang biglang may narinig silang ingay sa di kalayuan..



Kristel: Anu ung ingay na un?
Kelogs: Potek! Yung mga Mutiny, naka Murder Remission na naman! tago na tayoooooo!
tAnAgAx: Hala dali at hanap tayo ng mapapagtaguan!

buti nalang at merong 3 Silver Chest sa tabi ng daan, naka bukas na at handa ng pagtaguan!

Kelogs: Tara dali magtago na tayo, at baka ma PK tayo!

dali daliang nagtago sa tatlong Silver Chest ang mga "self proclaimed matapang" na bida ng istorya.



*Kablag*


"Anung ingay yon?" Wika ng Lider ng grupo.

"Dun po sa may Silver Chest ko narinig yung ingay!" sabi naman ng isang member sa party

lumapit ang party ng Mutiny na naka Murder Remission. lagot..





Sinipa ng Lider ang Silver Chest kung nasaan si tAnAgAx..

*Awooooooooooooo*

"Varg lang pala..." Sabi ng Lider ng grupo.. Agaran niyang sinipa ang kinalalagyan ni Kristel.

*Awooooooooorrrrraaahhhhhh*

"Chaos Varg lang pala..." Sabi ng Lider ng grupo.



"Lagot ako na..." Takot na takot na sinabi ni Kelogs sa utak niya...



Sinipa ng Lider ng grupo ang kinalalagyan ni Kelogs. Ngunit walang tunog. Sinipa pa ng tatlong magkakasunod ang Silver Chest ngunit wala pa ding ingay na nadinig ang Lider.

nang sisipain ulit ng Lider yung Silver Chest, biglang nagsalita si Kelogs..

Kelogs: Bobo ba kayo? Red Potion ako, wala akong sounds!


(siguro alam ninyo na ang sunod na nangyari.. heheheh!)

Wednesday, May 6, 2009

Diskarteng Malupit part 3 (featuring Linda Tindera)


Linda Tindera


Nang matapos ang ating dalawang bida sa kanilang paglalakbay, malamang sila ay nagutom. Sila ay nagkasundong bumalik sa town. Ngunit meron silang konting problema.

Kelogs: Panu yan, ako lang may town portal. Maglakad ka nalang ha?
Kristel: Naku wala namang iwanan, magkasama tayo sa ekspedisyong pagpapalakas eh. Walang iwanan!
Kelogs: Eh anung gagawin natin, iisa nalang to. Para sakin nalang to..
Kristel: Ganito nalang, kakapit ako sayo! Para tayong dalawa ang makapunta sa Rev'Decca
Kelogs: Sige subukan ko..


panu to, ayaw eh?


Kristel: Bobo, double click mo..



(hulaan ninyo nangyari?)

=======================================================

dumating din sa wakas ang ating mga bida sa Rev'Decca. Pagod na pagod at pawis sa paglalakad. Dali dali silang nagtungo sa Sundries para mag refreshen up. Dun nila nakita ung ka tropa nilang si tAnAgAx..

Kelogs: O pare musta?
tAnAgAx: Heto ok lang, lintek yan.. nag Fraps ako, pati yung alarma ko nabuking. Sintensyado ako next week sa kulungan.
Kelogs: My friend, thats OK. I'll never forget you!
Kristel: Whoa? Battle of the English? cmon!
tAnAgAx: Come, lets grab a bite. Place your orders here... :D

(Si Linda ang nakatao sa Sundries kasi wala yung amo nia, nasa Mall of Asia.)

Linda: Hoy kayong tatlong ugok, wag ninyo ako inglisen.. Wag kayong pasikat!
Kelogs: Whats wrong baby? There's nothing wrong! right guys? You dig?
Linda: Hay nako tigilan ninyo ako.. mga filing pro sa english! Tse!
Kelogs: Cmon' baby, give us a try!

napa isip si Linda..

Linda: OK sige, para matigil kayo. Gamitin ninyo ang Liver at Cheese sa isang salita! lecheng mga to..
Kristel: Oh thats easy! here it goes.. "i love liver and cheese"
tAnAgAx: Stupid! that doesnt mix well! this is better.. "i hate liver and cheese together!"
Kelogs: Both of you are dumb.. "Liver alone, Cheese mine!"
Linda: Oorder ba kayo o magsasara na ako?

"isang tapsilog nga" wika ng tatlo..

=======================================================

Linda: OK, tatlong tapsi.. teka, anung bang gusto ninyo sa itlog niyo?
Kristel: Ok na sakin prito..
tAnAgAx: Sakin naman gusto ko yung "hard boiled"

"Akin hawakan mo lang OK na ako.." preskong sinabi ni Kelogs..

Linda: Anu kamo? talagang gusto mo ng...
Kelogs: Sabi ko samahan mo ng kape..

=======================================================

Kelogs: Anu ba tong kape mo, ang pait.. penge ako asukal
Linda: O eto, hinay hinay lang sa asukal at nagmahal ang asukal ngayon.
Kelogs: Teka, bakit asin nakalagay sa lalagyan neto? ako ba niloloko mo?
Linda: Bobo asukal yan, mahirap na.. baka langgamin.

Tuesday, May 5, 2009

Ang parusa ni Stein sa Rohan Prison part 2




Teka, kamustahin naman natin ang mga "in-mates" at ang mga pangyayari sa luob ng Rohan Prison. Atin munang iwan ang diskarteng malupit ng dalawang nagbibida-bidahan.


Stein: Kayong mga nasa kulungan, halina lumapit kayo at may iaanunsyo ako sa inyo..


*naglapitan ang mga pobreng inmates*


Stein: Dahil sa nalalapit na monthsary ng ating kulungan, may pagsubok akong ibibigay sa inyong lahat. Ang premyo, pwede kayong mamili sa mga sumusunod:


- freedom sa kulungan na to!

- 10,000,000 crones + 1 week sa labas ng prison

- 1 Dinner Date with our sweet Raserei`


Sweet ba? :-*


(Masyado atang nagiging mabait ang warden ah? )


Sumigaw ang isa sa mga inmates,


SpiritArcher: Eh boss, anu ho bang pagsubok un?


*nagbulungan ang mga inmates*

Inmates: (pabulong) diba yun yong taong nasa unahan ng prison list ni Garrik?


SpiritArcher: Silence! I Kill YOU! (*achmed style)


Stein: Oh tama na yan, i-aanunsyo ko na yung pagsubok. Saglit lang, replyan ko lang tong si Kreigs.





...





message sent.






Stein: OK na, pasensya sa abala. Well eto ang inyong pagsubok. Nakikita ninyo ba ang mahabang balon jan sa may tapat? Ang taong makakatawid sa balon na yan ay makakapili ng isa sa ating premyo! samakatuwid, tatlong mapalad na taong magkakamit ng ating premyo!



ng malaman ng mga tao na madali lang ang pagsubok, agaran tumalon ang 21 sa ating mga inmates..





*arayyy*


*ughhhh*


*blaggg!*


*kapoooff*





nasawi ang 21 sa ating mga inmates.



Stein: Nakalimutan ko palang sabihin, may Avatar of Venom jan sa balon.


Inmates: (sabay sabay) WAHHH! Hindeeeeeeee! unfair ampf..




natahimik ang lahat ng isang lalake ang bumaba sa balon.




*Siyeeeeetttttttthhhhhhhhh!!!*




ilang saglit pa, lumitaw ang lalake sa kabilang dulo ng balon.



Inmates: Wahhh! Si Kelogs un a!



si Kelogs ay pawisan ngunit hindi man lang nagalusan sa pagtawid niya sa balon. Lumapit siya kay Stein para kuhain ang kanyang premyo.



Stein: Napahanga mo ako dun ah! Isa ka talagang magiting na mandirigmang gustong magbago sa mga pagkakamaling nagawa sa mundo ng Rohan! anu ba gusto mo? gusto mo bang makalaya? gusto mo ba ng crones at 1 week freedom? o ang date sa kras kong si Raserei`?




galit na galit nagsalita si kelogs..



Kelogs: hindi ko gusto ang kalayaan, crones o ang date na yan.. ang gusto ko yung lintek na taong tumulak sakin sa balon na yan.. humanda siya! ^%!@!


...


[*achmed - search niu nalang sa youtube.. tiyak matatawa kayo sa punchline nia :D]