Thursday, April 30, 2009

Fishing

Dear Manong,

Maaari ho bang humingi ng payo? gusto ko na kasing simulan magbenta ng rainbow trout sa aking grill. pero puro minnow lang ang nakukuha ko, why is that so? tapos, tapos, yung mga nakukuha ko above 40 ay puro elixir lang. paano ho ba ako makaka-eksakto kumuha ng level 39 na isda?

hayaan nio po at pag lumago business ko, may libre kayong grilled fish at bottomless drinks of your choice! Kahit beer, softdrinks, vodka, gin, gasolina pwede!

nagmamahal,
Gerry's

===========================================================

Dear Gerry's,

Iho, pwede bang magtanong? Gerry ba talaga ang pangalan mo o Gerry's talaga? parang ang pangit diba. kunwari sa pangalan ko - Magtataho's?

at tsaka hindi ako mangingisda kaya hindi ako "pro" sa fishing. ibabahagi ko lang ang aking nalalaman jan sa kalansahang yan.

una, apektado ng fishing ang mga sumusunod:
* Bait - Malaki ang epekto nito, low price bait = low price minnows
* Fishing Rod - hindi ko kumpirmado, pero pag ikumpara ko ang murang rod sa mamahaling rod, halos walang pinagkaiba ang nakukuha , depende pa din sa bait
* "Green Bar" - yan ung nataas at nababa sa fishing window mo. yan e ung nag pop-up na parang advertisment sa internet pag ikaw ay nag fifishing, yan ang kailangan mong tapatan pag may kumapit na isda sa rod mo. jan ka madalas makakakuha ng rainbow trout na hinahangad mo para sa business mo.
* Damit - yan ung nabibili sa item mall ng rohan, sinasabing mataas daw ang chance na makahuli ng random fish

nga pala, hindi ka basta basta pwede mangisda kung saan saan. Meron Fishing Area ang bawat town. Sinubukang kong mangisda sa labas ng town sa pagakalang wala akong kaagaw sa isda. try mo din, eto kukuwento ko.

after mo mangisda, iwan mo ung fishing window na naka bukas, then mag teleport ka sa dekan town or Rev'Decca, diba may tubig dun? sinubukan kong mangisda dun sa pagtatangkang mahuli ko lahat ng kailangan ko, pero EPIC FAIL din pala ako.. wag niyo ako tularan! greed is bad sometimes :D (wish ko sana makahuli ng dragon hehehe, iba pala yon sa dragon pet)

Base sa pangingisda ko, ang mga weapons, armors na nasa pagitan ng 16k - 16.7k ang madalas nakakahuli ng level 39 na Minnows. ang katumbas nian ay ang mga level 90+ weapons na nagkakahalaga ng 90k pataas. mapalad ka nalang kung magandang option ang iyong makukuha.

sa Minnows, Sweet Fish, at iba pang isda - may chance din na potion ang iyong makukuha

Hindi ko maintindihan kung bakit ang mga level 40 mahigit fish ay elixir ang lumalabas, lalong hindi ko maintindihan bakit ang bait ay hindi uod. Matindi ang isda sa Rohan, kumakain ng bakal! kaya Gerry's layo layo sa tubig ha, lalo na pag nangingisda.

meron din mga teknik ang forumers na makikita mo sa site na to:

Ultimate Fishing Tips: http://rhboards.levelupgames.ph/index.php?showtopic=10064&st=40



heto lang masasabi ko sau iho, tandaan: Y.E.M.E.N - Yugyugan Every Morning, Every Night

ang iyong paboritong vendor,
Magtataho

No comments:

Post a Comment